Pagpapatupad ng batas kontra basura pinahihigpitan ng isang grupo

0
45

Isinusulong ngayon ng grupong Ecowaste Coalition na higpitan ang pagpapatupad ng batas laban sa basura o ang ecological Solid Waste Management Act.

Ayon sa grupo, muling napatotohanan na malaki ang kinalaman ng mga basurang itinatapon ng publiko sa mga pagbahang naranasan sa Metro Manila.

Sinabi ng Ecowaste, sandamakmak na basura ang kalimitang naiiwan matapos humupa ang mga pagbaha.

Paalala ng Ecowaste, maraming paraan para i-recycle ang maraming bagay gaya ng papel, karton, plastic bottles, aluminum cans at iba pa habang maaari namang gawing abono ang mga nabubulok na basura.