Pinatututukan ni PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde sa Police Regional Office 5 ang panibagong kaso ng pagpatay sa mamamahayag at batikang komentaristang si Joey Llana sa Bicol.
Ayon kay Albayalde, kanilang susuriin ang lahat ng posibilidad para sa agarang pagkakadakip ng mga nasa likod ng pagpatay at pagresolba sa kaso.
Inatasan din ni Albayalde si PRO 5 Director Chief/Supt. Arnel Escobal na regular na bigyan ng upate ang pamilya ni llana hinggil sa kaso sa pamamagitan na rin ng binuong SITG o Special Investigation Task Group.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang PNP region 5 sa Presidential Task Force on Media Security.
Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay si Albayalde sa naulilang pamilya ni llana at mariing kinondena ang mga serye ng patayan sa mga mamamahayag sa bansa.
Si Llana ay pinagbabaril sa harap ng tahanan nito sa Legazpi City habang papasok na sa pinata-trabahuhang himpilan.