30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pagpapasara ng mga sementeryo welcome sa CBCP

- Advertisement -

Suportado ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) ang pasya ng ilang local government units na isara ang kanilang mga sementeryo ngayong paparating na undas

Sa panayam ng DWIZ kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Public Affairs Committee, maganda ang layunin ng nasabing hakbang upang maiiwas na rin ang publiko na mahawaan ng sakit.

Giit pa ni Fr. Secillano, hindi naman aniya obligasyon ng bawat isa na magpunta sa mga sementeryo upang duon gunitain ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ang mahalaga dito magbigay-pugay tayo sa pamamagitan nang pag-alay ng panalangin at pwedeng gawin diyan pamamagitan pagpunta sa sa simbahan para magsimba o kaya masss intentions kung hindi makakapunta sa simbahan. Kahit sa loob ng bahay mag dasal nalang, magtirik ng kandila sa loob ng bahay, magjanda ng bulaklak sa loob ng bahay habang nandoon mga larawan ng mga yumao. Pamilya sabay- sabay magdasal iyon ang mahalaga dapat nating gawin. ani Secillano

Ngayong araw, nagpulong ang mga alkalde sa Metro Manila para talakayin ang nagkakaisa nilang tindig hinggil sa naturang hakbang na sinimulan ng lungsod ng Maynila.
Kaya naman sinabi ni Secillano na kanilang igagalang ang anumang magiging pasya ng pamahalaan dahil ito’y para na rin sa kabutihan ng nakararami.

Ang gawin nalang natin dito ‘yung ginawa ng Manila gov’t ay may dahilan naman. Hindi naman isasara ang mga sementeryo kung wala namang dangers. So meron kasing pag-aaral na kapag napakaraming tao naroroon lagi ‘yung risk ng transmission ng virus. Iyun naman ang iniingatan naman siyudad ng Manila. ani Secillano — panayam mula sa Balitang 882

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -