Pagpapasa sa P4.1T 2020 National budget posibleng maantala

0
14

Binalaan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Senado sa posibilidad na maantala ang pagpapasa sa panukalang

P4 .1T 2020 national budget.

Ito aniya ay kung papayagan ang media coverage sa Bicameral conference para sa pagbuo ng pinal na bersyon ng panukalang pambansang budget.

Kasunod na rin ito ng panukala ni Senador Ping Lacson para sa anito’y transparency.

Ayon kay Cayetano, tulad ni Lacson ay nais rin nilang mga kongresista ang magkaroon ng tranparency gayundin ang pagkontra sa kurapsyon.

Gayunman, iginiit ni Cayetano na malaki ang posibilidad na magamit lamang ng ilang mambabatas ang media coverage para pumapel sa halip na matalakay nang maayos ang pondo na kinakailangan ng bansa.

Dagdag pa ni Cayetano, iniiwasan lamang nila na maging isang malaking circus ang Bicameral conference sa proposed national budget na maaaring magdulot naman ng pagkakaantala ng pag-apruba dito.