Pagkamatay ng isang plebo na natagpuan sa swimming pool ng PMA walang nakitang foul play

0
21

Walang nakitang foul play sa pagkamatay ng plebo na natagpuan sa swimming pool ng Philippine Military Academy o PMA.

Ito ang inihayag ng Baguio City Police batay na rin aniya sa resulta ng kanilang inisyal na imbestigasyon sa insidente.

Ayon kay Baguio City Police Chief Police Col. Allen Rae Co, wala silang nakikitang indikasyon ng foul play sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Mario Telen dahil batay sa kanilang initial findings hindi magaling na swimmer ang biktima.

Gayunman, tiniyak ni Co na kanila pang isasalang ang insidente sa mas malalim na imbestigasyon para matukoy kung may naging pagkukulang ang swimming instructor ng PMA.

Bubusisiin din anilang mabuti ang kaso lalo na’t nangyari aniya ang insidente habang sumasailalim sa swimming test ang nasawing kadete kung saan nasa pool din ang mga classmates nito.

Maliban dito, hinihintay rin ng pulisya ng resuta ng autopsy.