Friday, May 3, 2024

Pagpapalaya sa menor de edad na suspek sa Silayan slay case ia-apela ng NBI

- Advertisement -

Iaapela ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kautusan ng Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office na nagpapalaya sa 17-anyos na binatilyong suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan sa Cebu.

Ayon kay NBI-Central Visayas Director Atty. Tomas Enrile, kanilang bibigyang katwiran sa ihahaing motion for reconsideration ang ikinasang hot pursuit operation laban sa mga salarin sa pagpatay kay Silawan.

Iginiit ni Enrile, inaresto ang binatilyong suspek na dating nobyo rin ng biktima, batay sa kuha ng CCTV na nag-uugnay dito sa krimen gayundin sa ipinalabas na search warrant sa mga pag-aari nitong gadgets.

Dagdag pa ni Enrile, nakatitiyak sila sa naging partisipasyon ng menor de edad na suspek bagama’t hindi pa nila isinasara ang kaso dahil patuloy pa paghahanap sa dalawang iba pang kasabwat nito.

Magugunitang noong Biyernes, ipinag-utos ng Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng isang resolusyon ang pagpapalaya sa binatilyong suspek dahil inaresto ito nang walang warrant of arrest mula sa korte.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img