Pagpapalawig ng ECQ sa Luzon pinag-aaralan pa ni Duterte —Panelo

0
33

Pinag-aaralan pa ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa kaugnay sa pagpapalawig ng umiiral nang enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ito ay ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo makaraang irekomenda ng ilang eksperto ang 15 hanggang 20 araw na pagpapalawig sa ECQ sa Luzon.

Sinusuri pa aniya ng Pangulong Duterte ang pinakamainam na paraan upang mapagtagumpayan ng bansa ang laban kontra COVID-19.

Maglalabas din ani Panelo ng desisyon ang pangulo sa takdang panahon.

Samantala, magugunitang ilan sa mga medical experts, opisyal ng gobyerno at negosyante ang nanawagan sa pagpapalawig ng ECQ upang tuluyan nang masugpo ang pagkalat ng naturang virus.

Sa ngayon ay nasa ikatlong linggo na ang ECQ Luzon at nakatakdang matapo sa ika-12 ng Abril.