28.7 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Pagpapadala ng mga Chinese doctors sa bansa para tumulong kontra COVID-19 pinag-uusapan na

- Advertisement -

Pinag-uusapan na ng Pilipinas at China ang pagpapadala ng mga Chinese doctor sa bansa upang tumulong at ibahagi ang kanilang kaalaman laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Embassy of the Republic of the Philippines to China, Ambassador Jose Santiago Sta. Romana, nakahanda na ang medical team ng China oras na mapagdesisyonan na ng dalawang lider ng bansa ang pagpapadala ng mga ito sa Pilipinas.

Aniya, ang naturang hakbang ay pinaplantsa na rin sa tulong ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin.

Samantala, ibinahagi naman ni Sta. Romana na ang lockdown, early detection at early isolation ang naging sikreto ng China kung paano nila napigilan ang pagkalat ng COVID-19 sakanilang bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -