33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Pagpanaw Ng Juke Box King Na Si Victor Wood, Ikinalungkot Ng Mga Kababayan

- Advertisement -

Iriga City – Labis ang kalungkutan ng mga kababayan ng tinaguriang Juke Box King na si Victor Wood matapos na ito’y bawian ng buhay noong nakaraang Biyernes ng dahil sa komplikasyon sa covid-19 sa New Era Hospital sa Lungsod ng Quezon.

Si Victor Wood ay ipinanganak sa bayan ng Buhi, Camarines Sur noong Feb 1, 1946 sa Amerikanong tatay na si Sgt. Kocky Wood at nanay na si Rosario Nobleza na kilala ang pamilya sa pagtitinda ng mga herbal na gamot at pabango sa lugar.

Si Victor Wood ay unang nagpamalas sa kanyang galing sa pagkanta sa mga paliksahan at mga pagtitipon hanggang sa umangat an career noong dekada 70.

Siya ang nagpasikat sa “Mr. Lonely”, “I’m Sorry My Love”, “In Despair”, “Fraulein”, “Carmelita” “Inday ng Buhay Ko” at marami pang iba.

Nagtangka rin siyang pumasok sa politika noong 2007 matapos tumakbo sa pagka-senador subalit hinde pinalad.

Inaasahan na siya’y bibigyan ng pagpupugay ng Sangguniang Bayan ng Buhi, Camarines Sur sa session bukas ng umaga.  (Melvin F. Barayoga, RPN DZKI Iriga OIC)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -