Paglilitis sa plunder case laban kina Estrada at Napoles tuloy

0
58

Tuloy ang paglilitis ng Sandiganbayan 5th Division sa kasong plunder laban kina dating Senador Jinggoy Estrada at Janet Napoles.

Ibinasura na ng Sandiganbayan ang demurer to evidence na inihain nina Estrada at Napoles.

Sa inilabas na resolusyon ng Sandiganbayan 5th Division, sinasabing kumbinsido ang mga mahistrado na mayroong sapat na ebidensya ang prosekusyon para mapagtibay ang koneksyon nina Estrada at Napoles.

Kaugnay ito sa di umano’y paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Estrada noong senador pa sya sa mga bogus NGOs ni Napoles.