Sunday, May 5, 2024

Pagiging tikom ni Duterte sa Recto Bank incident idinepensa

- Advertisement -

Idinepensa ng kanyang tagapagsalita ang pananahimik ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapalubog ng barko ng China sa barkong pangisda ng mga Pilipino.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kilala ang pangulo bilang isang maingat na tao at tinitimbang muna nito ang sitwasyon bago magbitiw ng pahayag.

Hindi rin anya dapat ikumpara ang naging reaksyon ng pangulo sa basura ng Canada at sa banggaan sa Recto Bank.

Sinabi ni Panelo na limang taon nang narito sa Pilpinas ang basura ng Canada samantalang iniimbestigahan pa kung ano ang totoong nangyari sa paglubog ng barkong pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img