Baguio City – Maraming insidente ng pagguho ng lupa ang tinugunan ng pangkat ng City Engineering Office, Bureau of Fire Protection Baguio Fire Station, City Environment and Parks Management Office, City Councilor Peter Fianza, barangay officials and volunteers sa Lower Quirino Hill, Victoria Village, Quezon Hill Outlook Drive.
Pansamantala sila lang nagpatupad ng paglilinis ng pagguho ng lupa noong kasagsagan ng malalakas na pag ulan.
Samantala, pinangunahan ni Liza Daisa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang pag uulat na may anim na pamilya naapektuhan ng Bagyong Kristine.
Iniulat naman ni Kristine Bulayungan na may dalawang pamilya na ang kanilang tahanan ay bahagyang nasira ng bumagsak na punong kahoy at ang pagguho ng lupa sa Outlook Drive. Ang mga ito ay inilikas at kasalukuyang nakikitira sa kanilang kamag anak. Nagbahagi rin ang City Social Welfare and Development Office ng 20 family food packs sa mga naapektuhang indibidual.
Sa kaugnay na balita, patuloy ang DSWD – CAR sa pagsubaybay sa mga situasyon at ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Kristine.
As of 6 PM, noong Sabado, may kabuang 239 mga barangays at 10,376 katao ang naapektuhan kabilang ang 8 katao na ninirahan pansamantala sa mga evacuation centers.
Ang tulong pangtao o Humanitarian aid na nagkakahalaga ng mahigit sa ₱1.74 million ay naitulong na habang ang ₱110.68 million sa pagkukunan ng tulong kabilang dito ang 65,971 family food packs, habang ang iba ay pangtulong sa isinasagawang pagsisikap na pagtugon sa mga sakuna. (RPN-Baguio, Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio)
