Radio Philippines Network (RPN)
DXKS Surigao News Provincial News

Paglilinaw Sa Usapin Ng Pagsasawalambisa Sa PCG Application Ng Mga Aplikante Ng Taong 2017, 2018, At 2019




Sa post na ito, nais naming linawin ang usapin ng pagsasawalambisa ng Philippine Coast Guard (PCG) application ng mga aplikante ng taong 2017, 2018, at 2019.

Mula nang maupo bilang Commandant ng PCG si Admiral George V Ursabia Jr noong ika-01 ng Hunyo 2020, naging adbokasiya niya na ipatupad ang mga repormang nagnanais na isaayos ang pamamalakad at sistema ng ahensya, bagaman maraming balakid dito.

Nauunawaan ni Admiral Ursabia ang kagustuhan ng marami na makapasok at maging miyembro ng PCG. Subalit, gaya ng lahat ng kumpanya at organisasyon, pampubliko man o pribado, hindi lahat ng nagnanais sumali sa PCG ay maaring tanggapin bilang mga miyembro ng ahensya sapagkat limitado lamang ang budget nito para tumanggap ng karagdagang personel. Gayundin, hindi lahat ng aplikante ay nagtataglay ng tama at kinakailangang kwalipikasyon upang maging bahagi ng ating ahensya.

Nais man ng kasalukuyang administrasyon at pamunuan ng PCG na patuloy na tumanggap ng aplikasyon para sa karagdagang tauhan, ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa at ng buong mundo na humaharap sa pandemya ay isang malaking hadlang sa naising ito. Gaya ng nalalaman ng nakararami, malaking bahagi ng pondo ng gobyerno noong 2020 at maging ngayong 2021 ang napunta sa paglaban sa pandemya na dulot ng Covid-19. Dahil dito, ang mga inaasahang budget ng gobyerno, kabilang ang nakalaan sa recruitment ng PCG ay nabawasan kaya lumiit ang tinatawag na “recruitment quota” ng PCG.

Bilang bahagi ng mga repormang ipinatutupad ng kasalukuyang pamunuan ng PCG, ipinag-utos ni Admiral Ursabia ang pagpapawalambisa ng mga nabinbing aplikasyon simula 2017 hanggang 2019. Ito ay ipinag-utos upang maisaayos ang sistema ng recruitment kung saan tanging mga kwalipikadong aplikante lamang na may updated o hindi pa expired na dokumento ang makapagpapatuloy sa proseso upang maging bahagi ng PCG. Kung iisipin, ang mga dokumentong isinumite ng mga applikante noong 2017 hanggang 2019 ay masasabing hindi na updated o paso na. Maari ring isipin na ang kanilang hindi pagkasama sa mga natanggap na aplikante ay dahilan ng kanilang hindi agarang pagkompleto ng mga requirements at ang limitadong “recruitment quota” para sa taon ng kanilang aplikasyon. Nawa’y maunawaan ng lahat na ang aplikasyon sa PCG ay isang kompetisyon at hindi kailanman isang kasiguraduhan na makakapasok sa ahensya ang sinomang magnais na sumali dito. Sa post na ito, nais itama ng kinauukulan ang maling paniniwala ng ilan na ang pagpasa ng lahat ng requirements ay katumbas ng otomatikong pagkatanggap sa PCG.

Sa huli, ipinaaalala ng kasalukuyang pamunuan ng PCG na ang proseso ng aplikasyon ay ginagawa upang masiguro na tanging ang mga may sapat lamang na kwalipikasyon, sang ayon sa pangangailangan ng PCG, ang maaring tanggapin ng ahensya. Kailanman ay hindi garantisado ang pagtanggap sa isang aplikante na dumaan na sa lahat ng proseso, sapagkat, gaya ng lahat ng aplikasyon, may screening process ang PCG sa pagpili ng tatanggapin na maging miyembro nito, bukod pa sa pagsunod sa recruitment quota na ibinigay ng DBM. Kaya naman, ang mga aplikante noong mga nakaraang taon na hindi natanggap na maging miyembro ng PCG ay maituturing na hindi nakapasa sa pamantayan ng PCG upang maging kawani nito o bagama’t kwalipikado ay hindi umabot sa tamang panahon upang makapasok sa limitadong quota ng PCG.

Mensahe ni Admiral Ursabia, “Nauunawaan natin ang nararamdaman ng ating mga apektadong aplikante at kanilang mga kaanak. Ang repormang ipinatutupad ng PCG ay para sa pagsasaayos at pagpapabuti ng organisasyon upang siguraduhin ang epektibo at mahusay na serbisyo nito sa publiko. Sa lahat ng ating mga aplikante na hindi nagtagumpay noon ngunit nananatiling kwalipikado sa ngayon, mayroon pa kayong pagkakataaon na ipakita na karapat dapat kayong maging miyembro ng PCG. Sa mga hindi naman pinalad at maituturing na hindi na kwalipikado sa kasalukuyan, marami pang pagkakataon at oportunindad sa labas ng PCG. Hiling ko ang tagumpay ng lahat.”

(Source: Philippine Coast Guard Facebook page)

Related posts

PRO-9 PIO May 13, 2021 Press Release

RPN

Region 11 Cited For Exemplary Covid-19 Response

RPN

34 Lumads undergo Skills Training on Masonry and Carpentry in Talaingod

RPN News

DOH Caraga Confirms 1st Positive Of Covid-19 Patient

RPN

Group To File Raps Versus CIDG, Drug Suspect

RPN

Sweeper Flights From Manila Bring Home 207 Negros OFWs

RPN

Call Out To “Hard-Headed” Dabawenyos “Prepare Last Will, ₱2M – Mayor Sara

RPN