Saturday, May 4, 2024

Paglala ng tensyon sa West Philippine Sea ibinabala ni Duterte

- Advertisement -

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad ng paglala ng tensiyon sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa kanyang naging talumpati sa harap ng mga taga-Puerto Princesa city, Palawan, sinabi ni Pangulong Duterte na nasa kritikal na sitwasyon ang Palawan.

Ayon sa Pangulo, hindi nakahanda ang Palawan sakaling lumala at mas tumindi pa ang agawan sa teritoryo sa bahagi ng West Philippine Sea.

Dagdag pa ng Pangulo, nais niya ring maresolba ang usapin sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea sa isang diplomatikong pamamaraan.

Gayunman, iginiit nito na dapat ang Pilipinas ang makinabang sa makukuhang langis sa West Philippine Sea.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img