Thursday, May 2, 2024

Paglahok ng Pilipinas sa vaccine trial ng WHO tiniyak

- Advertisement -

Tiniyak ng Department of Science and Technology (DOST) at Department of Health (DOH) na kanilang popondohan at susuportahan ang partisipasyon ng Pilipinas sa solidarity trial ng World Health Organization (WHO) para sa pag develop ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay DOST Undersecretary for Research and Development Rowena Guevarra, nakikipagtulungan na sila sa WHO upang mas mapaigting ang kanilang paghahanda sa gagawing solidarity vaccine trial.

Sa ngayon, minomonitor na aniya ng vaccine expert panel ang mga Filipino vaccine candidates na isasalang sa naturang solidarity trial.

Samantala, nasa mahigit 100 bansa naman ang naghayag ng interes sa paglahok sa vaccine trial ng WHO.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img