35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Paglaban kontra COVID-19 ng mga local officials pinatutukan ng DILG

- Advertisement -

Pinatutukan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local officials ang paglaban sa coronavirus disease (COVID-19).

Dahil dito sinuspinde muna ang ikalawang bugso ng road clearing operations para masubaybayan ng mga Alkalde ang mga hakbang na ginagawa para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, hindi na rin pinapayagan ang lahat ng opisyal ng lokal na pamahalaan na bumiyahe palabas ng bansa sa loob ng isang buwan.

Sinabi ni Año na mas kailangan ngayon ang presensya ng mga lokal na opisyal sa kani-kanilang lugar para magabayan ang mamamayan sa pagsunod sa mga hakbang para makaiwas sa sakit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -