Paglabag sa smoking Ordinance sa Baguio City, binigyan ng citation tickets

0
3
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Tatlong tindahan na matatagpuan sa T. Alonzo – New Lucban ang nabigyan ng citation tickets ni Sanitation Inspector Rufino Madlon sa paglabag ng Smoke-Free Baguio Ordinance.

Isang suprisang iinspeksyon ay ginawa ng mga kinatawan mula sa Sanitation Division – Health Services Office, ang Smoke-Free Unit – Health Services Office at ng UC Criminology Interns.

Nakakumpiska ang task force ng bukas at walang laman na kaha ng sigarilyo at ng dalawang vapes.

May tatlong probisyon ng naturang ordinansiya, ang pagpapahintulot, ang pakikisama o ang pagpaparaya ng paninigarilyo sa ipinagbabawal na lugar; ang pagkabigo na matiyak ang kamalayan ng mga nagtatrabaho tungkol sa ordinansiya at nakaligtaan na ipaskel ang No Smoking/Vaping signages o karatula ay maituturing na paglabag ng mga naturang tindahan. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply