Pagkonsumo sa kuryente pinababantayan ng DOE sa publiko

0
28

Nananawagan ang Department of Energy (DOE) sa publiko na bantayan ang kanilang konsumo sa kuryente habang nasa recession ang bansa bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay energy Secretary Alfonso Cusi, inaasahan kasing mas tataas ang konsumo ng kuryente sa bawat tahanan habang nasa kasagsagan ng pandemya ang bansa gayung mayorya sa mga Pilipino ang nananatili lamang sa kani-kanilang mga bahay.

Dagdag pa ni Cusi na lumalabas sa kanilang pag-aaral sa energy consumption trend sa nakalipas na buwan na tumaas ang bilang ng kilowatt per hour na nagagamit ng bawat tahanan, habang bumababa naman ang konsumo ng kuryente ng mga industrial o commercial establishments sa bansa.

Giit pa ng kalihim na mayroon namang sapat na suplay ng kuryente ang bansa ngunit hindi aniya ibig sabihin ay hindi na kailangang magtipid sa kuryente.

Samantala, magsasagawa naman ang DOE ng energy efficiency communications campaign upang matulungan ang mga konsyumer sa kani-kanilang mga kuryente.