Pagkamatay ng suspek sa pagpaslang sa mag-asawang senior citizen iimbestigahan

0
50

Iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang pagkamatay ng suspek sa pagpaslang sa mag-asawang senior citizen sa Novaliches habang nasa kustodiya ito ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4.

Batay sa ulat, napatay ng mga pulis ang suspek na si Carl Joseph Alarin BaƱanola matapos umano mang-agaw ng baril habang sakay ng police mobile patungong Camp Karingal matapos sumailalim sa inquest proceedings.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Bernard Banac, bahagi ng kanilang standard police procedure ang pagkakasa ng imbestigasyon laban sa mga pulis na naka-duty ng mangyari ang insidente.

Tiniyak naman ni NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar na nakahandang humarap sa imbestigasyon si Novaliches Police Station Commander Lt. Col. Rossel cejas.

Si BaƱanola ay suspek sa pagpatay sa magasawang sina Nicolas at Leonora Austria sa bahay nila sa Barangay San Augustin, Novaliches.

——