Saturday, May 4, 2024

Imee Marcos walang planong tumakbong presidente

- Advertisement -

Walang plano si Senator-elect Imee Marcos na tumakbo sa pagka-presidente sa 2022 election.

Aniya, sa kanyang tingin mas angkop na maging susunod na pangulo ng bansa si Davao City Mayor at Presidential Daughter Sara Duterte-Carpio.

Paliwanag ni Marcos, tulad ng ama nitong si Pangulong Rodrigo Duterte, may koneksyon sa publiko si Mayor Sara.

Dagdag ni Marcos, taglay din ni Sara ang pagiging authentic o totoo na tulad ng nagustuhan ng publiko kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Marcos, maliban kay sara, nakikita niya rin si Senadora Cynthia Villar na magandang kandidato sa pagka-presidente dahil sa pagiging masipag at tapat nito sa tungkulin.

—-
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img