35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pagkamatay ng hepe ng Pasay City PNP Intelligence Section pinaiimbestigahan

- Advertisement -

Pinaiimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang pagkamatay ng hepe ng Pasay City PNP Intelligence Section matapos makipag barilan sa isang puganteng suspek.

Kasunod na rin ito nang pagtiyak ni Albayalde ng hustisya sa pamilya ni Chief Inspector Manuel Taytayon.

Sa kaniyang pagbisita sa burol ni Taytayon, sinabi ni Albayalde na pinasisilip niya kung talagang naunahan ng suspek ang mga pulis dahil normal lamang aniya o instinct ng mga pulis na umatras at magtago muna kapag unang pinaputukan kayat sa likod tinamaan ang opisyal.

Nais aniya niyang malaman kung nagkaruon ng lapses sa nasabing operasyon dahil posible ring nabuhay pa si Taytayon kung maaga itong naisugod sa ospital.

Ayon naman kay PNP Spokesman Chief Supt. Benigno Durana, kumpirmado sa ballistics test na sa baril ng suspek nagmula ang mga slug na tumama sa likod ni Taytayon at ito aniya ang naging fatal shots na ikinamatay nito.

Subalit may dalawa pa aniyang tama sa likod si Taytayon na hindi pa narekober ang slug kaya’t hindi pa mabatid kung kaninong baril ito nanggaling.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -