Pagkamatay ng 3 preso sa Pasay City Jail iniimbestigahan na ng awtoridad

0
54

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang kaso ng pagkamatay ng tatlong preso sa Pasay City Police Station Drug Enforcement.

Batay sa spot report ng pulisya, dakong alas otso y medya ng gabi ng Huwebes nang biglang mawalan ng malay ang tatlong nabanggit na preso na may edad 25, 33 at 36.

Agad namang isinugod ang mga ito sa ospital pero binawian din ng buhay.

Kasunod nito, inilipat na rin ng piitan ang iba pang bilanggo para maiwasan na rin ang pagsisisikan ng mga ito.

Samantala, sinabi ni Pasay City Police Chief; Senior Supt. Noel Flores na kanila pa ring hinihintay ang resulta ng isinagawang pagsusuri sa bangkay ng tatlong nasawing preso.