Saturday, May 18, 2024

Angeles RTC ipinag-utos ang paglipat ng selda ng 3 akusado sa pagpatay kay Jee Ick Joo

- Advertisement -

Ipinag-utos ng Angeles City Regional Trial Court ang paglipat ng tatlong akusado sa pagdukot at pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick Joo sa Angeles City District Jail.

Ito ay matapos ibasura ni Angeles City Regional Trial Court Branch 56 Judge Irin Zenaida Buan ang apela nina Supt. Rafael Dumlao III, SPO3 Ricky Sta. Isabel at dating NBI agent Jerry Omlang na manatiling makulong sa Metro Manila para na rin sa umano sa kanilang seguridad.

Ayon sa Angeles City Regional trial Court, walang napapaulat na banta sa buhay o seguridad sa mga nakakulong sa Angeles City Jail.

Iginiit din ng Korte, batay sa rules of criminal procedure, dapat dinadala ang mga akusado sa pinakamalapit na police station o kulungan.

Si Dumlao ay kasalukuyang nakadetine sa PNP Custodial Center sa kampo Crame habang nasa NBI detention facility naman sina Sta. Isabel at Omlang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -