Pagkalat ng COVID-19 itinuturing na mapanganib ng UN

Pagkalat ng COVID-19 itinuturing na mapanganib ng UN

by Powered by DWIZ
69 views

Itinuturing na napakamapanganib na sitwasyon ng United Nations ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagmula sa China.

Ayon kay UN Secretary General Antonio Guterres, napakalaki ng banta ng panganib na dulot ng naturang sakit at kinakailangan na paghandaan ito ng buong mundo.

Aniya, pinakanakakatakot dito ay ang kapag tinamaan na ng bagong coronavirus strain ang mga bansang walang masyadong kapasidad na tugunan ang naturang sakit tulad ng ilang African countries.

Ngunit sa kabila ng pangamba, binigyang diin ni Guterres na hindi kontrolado pa rin ang sitwasyon sa COVID-19.

0 comment

Related Posts