1.4-M pamilyang Pinoy walang sariling palikuran — PSA

1.4-M pamilyang Pinoy walang sariling palikuran — PSA

by Powered by DWIZ
69 views

Aabot sa 1.4 na milyong pamilyang Filipino ang walang sariling palikuran.

Ito ay batay sa pinakahuling ulat ng Phil. Statistics Authority (PSA) kung saan lumalabas na nasa halos 1 milyong pamilyang Filipino naman ang gumagamit ng ‘unimproved sanitation facility’ o ‘yung mga palikuran na hindi konektado sa septic tank o sewerage system.

Nasa 3.6 na milyong pamilya naman ang nakikigamit lamang ng palikuran.

Sa isang panayam, sinabi ni Elmira Batacan, water sanitation and hygiene specialist ng Unicef Philippines, ang kawalan ng espasyo sa tahanan ng mga mahihirap na pamilya partikular na sa urban area ang posibleng dahilan kaya’t wala silang sariling palikuran.

Labis namang ikinabahala ni Health Spokesman Eric Domingo ang naturang ulat lalo na’t bumalik ang sakit na polio sa bansa makalipas ang 19 na taon.

Aniya, kapag wala kasing maayos na sistema sa palikuran, may banta na lalo pang kumalat ang naturang sakit.

Sinabi ni Domingo, plano ng DOH na wakasan na ang ‘open defecation’ pagdating ng 2022 ngunit tinapyasan aniya ang pondo ng DOH para sa zero defecation program.

Sa ilalim ng local government code of 1991, responsibilidad ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng serbisyo at pasilidad para sa kalinisan at kalusugan ng publiko.

0 comment

Related Posts