26 C
Manila
Sunday, December 10, 2023

Pagkakompiska ng karne sa mercado sa siudad ng Baguio

- Advertisement -

Baguio City – Ang Meat Market Monitoring Taskforce ng lungsod ng Baguio, ay nakakompiska kamakailan lamang ng may kabuang 74.35 kilo ng sari sari karne at mga meat products na walang kaukulang permiso at veterinary health certificates na ibebenta sa pampublikong pamilihan at ng iba pang satellite markets sa lungsod ng Baguio.

Kasama sa mga nakumpiska ay ang tatlong kilong lutong karne ng aso sa Kagitingan barangay at agad itong iniulat sa Baguio City Police Office’s (BCPO) substation 7 sa Abanao para kaukulang aksyon. 

Ang pagkumpiska ay isinagawa sa panahon na ang task force’s inspection and monitoring ay para na rin sa kaligtasan ng mga kumakain ng karne sa lungsod ng Baguio.

Ang monitoring at inspection ay pinangunahan ng City Veterinary and Agriculture Office (CVAO) sa ilalim ni Dr. Silardo Bested kasama nila ang National Meat Inspection Service (NMIS); City Health Services Office’s sanitary division; City Treasury Office’s market division; Food and Drug Administration (FDA) at Public Order and Safety Division (POSD).

Sinabi ni Dr. Bested na ang kanilang gawain ay upang ipaalala sa mga meat handlers na ang karneng malinis ay dapat sa isa isip dahil ito ay pagkain na ituturing.

Kanyang idinagdag na ang CVAO ay patuloy na magsasagawa ng mahigpit na alituntunin at mga regulasyon upang itaguyod ang ligtas na pagkain at tiyakin na ang mga karneng ibinibenta sa pamilihang bayan ng lungsod ng Baguio ay malinis at ligtas na kainin.

Samantala, Nagpaalaala ang National Meat Inspection Service – Cordillera (NMIS-CAR) sa publiko na kanilang tignan ang karneng binibili nila ay ligtas kainin.  Sinabi ni NMIS-CAR Supervising Meat Control Officer Dr. Mateo Puatu na ang mga mamimili ay dapat icheck kung ang karneng ibenebenta ay may inspection mark nakapaskil sa meat section ng ating pamilihan sa lungsod ng Baguio o may meat inspection certificate.  (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio Information Office)

 

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -