Pagkakaisa panawagan ni Duque sa gitna ng pagpapabitiw sa kanya sa pwesto

0
20

Nanawagan si Health secretary Francisco Duque III ng pagkakaisa sa gitna ng panawagan ng kaniyang pagbibitiw sa pwesto.

Ayon kay Duque, iginagalang niya ang gustong mangyari ng mga senador sa kaniya dahil anila sa inefficiency sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Duque na karapatan ng mga senador na ipahayag ang kanilang posisyon sa bawat usapin.

Ngunit aniya, hangga’t nananatili ang tiwala at kumpiyansa sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ipagpapatuloy niya ang kaniyang trabaho.