Duterte sumusunod din sa protocol ng ECQ

0
16

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na panuntunan ngayong umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Ayon sa pangulo, sa katunayan maging siya ay sumusunod din sa mga protocol na ito para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Aniya, hindi siya makauwi sa Davao City kahit pa gustuhin niya dahil sa kaarawan ng kaniyang anak, apo at partner dahil hindi siya pinayagan ng alkalde roon na kaniya ring anak na si Mayor Sara Duterte.

Hindi siya umano maaaring makauwi dahil walang eroplano na maaaring lumapag sa Davao City.

Dahil ditto, kailangan niya umanong magtiis at sumunod dahil ito ang patakaran ng alkalde para protektahan ang kaniyang nasasakupan laban sa banta ng COVID-19.