33.2 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Paghahanda para sa pista ng Itim na Nazareno puspusan na

- Advertisement -

Puspusan na ang preparasyon ng simbahan ng Quiapo para sa pista ng Itim na Nazareno sa Maynila.

Ayon kay  Father Hernando Coronel, rector ng  Quiapo Church,  inaasahang madaragdagan ang mga millennial o ang kabataan na lalahok sa Traslacion sa Miyerkules, Enero 9.

Ito, aniya, ang dahilan kaya’t plano nilang maging mas aktibo sa  social media tulad ng pagdaragdag ng live streaming sa mga major event kaugnay sa Traslacion.

Nakikipag-ugnayan na rin ang simbahan sa Manila Police District at National Capital Region Police Office para sa seguridad sa nabanggit na aktibidad.

Samantala, pinayuhan ng mga organizer ang mga deboto na  iwasan nang magdala ng mga matulis na bagay,  backpack sa paligid ng simbahan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -