Sunday, April 28, 2024

Pagdinig kaugnay sa alegasyong ibinabato kay Duque tuloy

- Advertisement -

Tuloy ang pagdinig ng Senado kaugnay ng ilang alegasyong ibinabato laban kay Health Secretary Francisco Duque III ngayong linggo.

Ito ang tiniyak ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon bagama’t una nang nagpasabi si Duque na hindi makararating sa unang araw ng pagdinig.

Ayon kay Gordon, hindi lamang si Duque ang imbitado sa pagdinig kundi maging mga kapamilya nito, mga dating tauhan ng Philhealth at ilang mga eksperto.

Kabilang sa mga iimbestigahan ng Senado ang umano’y pagkakaroon ng conflict of interest ng kalihim kasunod ng mga naisiwalat na milyong pisong halaga ng kontratang nakuha ng pamilya Duque sa pamalaan at anomalya sa Philhealth.

“Yung mga dating andyan sa Philhealth, yung mga nandyan na mangunguha pa ko ng eksperto sa kung gaano katagal aabot yung pera ng Philhealth. Manghihiram ako ng ibang official sa ibang sangay ng gobyerno para makita natin kung tama ang patakbo o kakapusin sila dahil lang sa pagnanakaw ng iba o marami silang ibinibigay, yung kanilang policy. Polisiya yang titingnan natin” Pahayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon

 

(Usapang Senado interview)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -