Tuesday, May 14, 2024

Lacson hinimok ang PNP na magbigay ng armas sa BFP

- Advertisement -

Hinimok ni Senador Panfilo Lacson ang PNP o Philippine National Police ang pagbibigay ng armas sa mga miyembro ng BFP o Bureau of Fire Protection.

Kasunod naman ito ng pagsusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga bumbero para makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa bansa.

Ayon kay Lacson, hindi siya nakasisiguro kung naaayon sa batas ang pagbibigay ng armas sa mga bumbero kaya dapat pag-aralan itong mabuti.

Aniya, maaari lamang bigyan ang bawat bumbero na mag-aapply ng permit to carry firearms ng lisensiya bilang indibiduwal at hindi bilang isang organisasyon o institusyon.

Una nang kinatigan ng PNP ang plano ng pangulo dahil mas makatutulong anila ito para sa epektibong pagpapatupad ng kampanya kontra kriminalidad gayundin ang mas mabilis na pagresponde ng BFP sa mga national emergency incident.

“Eh bakit hindi yung uniformed personnel tulad ng Bureau of Fire? Pero magkakaroon siguro ng kwestyon kung yung parang buong organization, wala kasi sila sa law enforcement naman eh hindi katulad ng pulis, may mga issued firearms. Ngayon, kung magkakaroon ng issued firearms yung mga firemen, hindi ko sigurado kung yun ay naaayon sa umiiral na batas so dapat mapag aralan din natin.” —- Pahayag ni Senador Panfilo Lacson.

(Usapang Senado interview)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -