Pagdedeklara ng martial law sa bansa, hindi pa kailangan — DILG

0
11

Hindi pa kailangang mag deklara ng martial law sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año kaugnay ng naging pahayag ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo na dapat nang mag patupad ng batas militar sa bansa.

Ayon kay Año, sapat pa naman ang mga ipinatutupad na protocol sa bansa at natutugunan pa naman ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Aniya, kakailanganin lamang isailalim sa martial law ang Pilipinas kung totoong may banta sa seguridad, at kaligtasan ng publiko.

Inihalimbawa ni Año rito ay kung mananamantala aniya ang CPP-NPA sa sitwasyon, kung mamamayagpag ang mga organized crime groups, at kung mag reresulta ang COVID-19 crisis sa looting at malalagay sa alanganin ang kaligtasan ng publiko.