ABS-CBN tigil operasyon muna ayon sa NTC

0
20

Pinatitigil na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN sa lahat ng TV at radio broadcast operations nito.

Ito ayon sa cease and desist order na inisyu ng NTC ay dahil sa pagpaso ng legislative franchise ng kapamilya network.

Binigyan ng NTC ng 10 araw ang ABS-CBN para tumugon kung bakit hindi dapat mabawi ang prangkisa nito.

Magpapatupad naman ng closure order ang NTC regional offices sa nasasakupan nito.

Magtatakda ang NTC ng pagdinig sa kaso sa lalong madaling panahon matapos maalis ang enhanced community quarantine (ECQ).