Pagdagsa ng mga pasahero sa bus terminals pinaghahandaan ng MMDA

0
58

Pinaghahandaan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang inaasahang pagdagsa sa mga bus terminal ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinya ngayong undas.

Ayon kay MMDA Special Task Force for Operations Supervisor Bong Nebrija, kanilang inaasahan na magsisimula na sa Sabado Oktubre 27 ang exodus ng mga pasahero.

Ito ay dahil posibleng marami na ang maagang mag-file ng leave para sa mas mahabang bakasyon lalo’t ideniklara bilang special non-working holiday ang Nobyembre 1 at 2.

Samantala, sinimulan na rin ng MMDA ang clearing operations sa paligid ng mga malalaking sementeryo sa Metro Manila at maging sa bilihan ng mga bulaklak sa dangwa na dinagsa rin ng mga tao tuwing undas.