Pagdagsa ng mga motoristang babalik ng Metro Manila, asahan na

0
55

Asahan na ang pagdagsa ng mga motoristang babalik ng Metro Manila ngayong araw na ito.

Sa North Luzon Expressway (NLEX), pasado alas-singko ng madaling araw ay nagkaroon na ng build up ng mga sasakyang pa-southbound ng Bocaue toll plaza gayundin sa Balintawak toll plaza at Mindanao Avenue.

Ayon sa pamunuan ng NLEX, maaaring mabawasan ang bilang ng mga motorista dahil marami na ring mga motorista ang bumiyahe na noong Sabado pabalik ng Metro Manila.

Kahapon naman ng hapon ay marami na ring motorista ang bumiyahe sa southbound ng NLEX pa-Metro Manila matapos mag-holy week sa mga lalawigan sa Norte.