Bangkay ng babae, natagpuan sa Cavite

0
57

Isang bangkay ng babae na hinihinalang ginahasa ang natagpuan sa isang madamong bahagi ng Noveleta, Cavite.

Kinilala ang biktimang si Lynrose Dequiña Arraya, bente tres (23) anyos na noon pang Lunes Santo, Abril 15 nawala.

Ayon sa Cavite Provincial Police Office, mismong ang kapatid ni Arraya na si Jasmin ang nag-post ng larawan upang mahanap ang dalaga.

Natagpuang hubo’t hubad si Lynrose, indikasyon na pinagsamantalahan at nawawala rin ang cellphone at pitaka nito habang nagkalat ang mga basag na bote sa naturang lugar na maaaring ginamit upang saksakin ang biktima.

Nananawagan naman ng katarungan ang pamilya ni Arraya habang sinisilip na rin ang mga kuha ng C.C.T.V. camera noong araw na mawala si Lynrose.