PAGCOR employee kinasuhan sa umano’y paglabag sa anti-fixing law

0
15

Kinasuhan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang isa nilang kawani dahil sa umano’y paglabag nito sa anti-fixing law.

Ayon kay PAGCOR Vice President for Corporate Communications Jimmy Bondoc, kasalukuyan nang isinailalim sa inquest proceedings ang naturang suspek sa Manila prosecutors office.

Aniya, mahigit tatlong buwan na nila itong pinaiimbestigahan sa National Bureau of Investigation (NBI), bago pa man nila ito ipaaresto sa mga otoridad.

Iginiit pa ni Bondoc na bukod sa naturang suspek na pinili nilang huwag munang pangalanan ay mayroon pa silang iba pang iniimbestigahan na kawani rin ng PAGCOR.

Nilinaw rin nito na modus ng mga ito na harangin ang mga humihingi ng medical assistance sa PAGCOR at kapag naka-established na ito ng contact ay tsaka nito ibo-broker ang mga dokumento ng biktima. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)