‘No-handshake gesture of goodwill’ muling iminungkahi ni Marikina rep. Fernando

0
31

Muling iminumungkahi ni Marikina Representative Bayani Fernando ang “no-handshake gesture of goodwill” upang maiwasan ang direktang contact sa isang indibidwal ngayong kasagsagan ng pagkalat ng 2019 novel coronavirus (nCoV).

Ayon sa mambabatas, maaari namang gawing pagbati sa isang tao ang paglagay ng bukas na palad sa dibdib at pagyuko bilang tanda ng pagtitiwala, imbis na ang nakagawian ng Pilipino na pakikipagkamay at beso-beso na may physical contact.

Ilalagay mo lang ‘yung palad ng kamay mo –nakabukas ‘yung palad mo– sa dibdib, tapos mayroon kang maliit na yuko, slight nod, pero sa paggawa mo no’n ay titingin ka sa ibaba, aalisin moa ng tingin mo doon sa mukha ng kaharap mo, ng binabati mo, para tanda na siya ay ‘yung pinagtitiwalaan,” ani Fernando.

Paliwanag ng kongresista, matagal na aniyang tinuturo sa mga paaralan na marumi ang ating mga kamay, na siyang maaaring direktang kontak upang mahawa sa kumakalat na 2019 nCoV.

Sa lahat ng paaralan, itinuturo ang paghuhugas ng kamay. Ito ay pagpapakita lang na talagang may karumihan ang mga kamay natin. Ang pakikipagkamay kasi ay talagang direktang –do’n sa problema ng nCoV, kinakailagan physical contact, e,” ani Fernando. —sa panayam ng Ratsada Balita