Pagbukas ng ika-36 na restaurant ng sikat na artista nasa Baguio City

0
9

Isang kilalang artista ang nagbukas ng kanyang ika-36 na sangay nitong sariling restaurant sa lungsod ng Baguio na malapit lamang sa City Hall compound. Ang aming tinutukoy na actor ay walang iba kundi si Joel Torre, nag umpisa ng JT’s Manukan Grille kasama niya ang kanyang maybahay na si Cristy.

Si Torre noon ay nagtatag din ng maliit na kainan noong 2003 malapit sa Sampaguita Studio sa kahabaan ng Valencia Street sa New Manila sa Quezon City. Ang naturang kainan ay naghahandog ng street food na tawag sa Bacolod ay inasal na sinimulang pilahan ng mga tao at binabalikbalikan.

Sa isang panayam, sinabi ni Torre na nais din niyang makita ang ganitong eksena sa lungsod ng Baguio. Naniniwala siya na dudumugin din ito ng mga taga-Baguio at maging ng mga turista na nagpupunta sa lungsod upang tumikim ng pagkain lasang Bacolod.

(Joel Cervantes | Jim Bernabe, photo courtesy of Jane Dulnuan)

Leave a Reply