Pagbubukas Ng Sariaya Bypass Road Malaking Kaalwanan Sa Mga Byahero

    0
    158




    Iriga City – Malaking kaginhawaan para sa mga commuters o mga byaherong galing Maynila o Bicol ang pagbubukas ng Sariaya Bypass Road dahil mas mapapabilis na ang kanilang byahe sapagkat hindi na kailangan pang dumaan sa kabayanan na mabagal ang daloy ng trapiko. Ang Sariaya Bypass Road ay may habang 7.42 kilometro.

    Sabado, Mayo 22, 2021 nang pormal na binuksan sa publiko ang Sariaya Bypass road na personal na dinaluhan ni DPWH Secretary Mark Villar at ilang kilalang opisyales ng Quezon Province. Nagkaroon ng motorcade at maikling programa ang Lokal na Pamahalaan ng Sariaya para sa pagbubukas ng nasambit na daan.

    Nanawagan rin si Sec. Villar sa mga byaherong papunta o galing sa South na gamitin na ang kalsada upang mapadali ang byahe.

    25(Source: Bicol News, photo courtesy of DPWH Quezon 2nd DEO-BAC)

    Leave a Reply