35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Pagbubukas muli ng lotto at STL ops posibleng matagalan pa – DOJ sec

- Advertisement -

Posibleng matagalan pa ang muling pagbubukas ng operasyon ng lotto at small town lottery (STL) matapos na ipag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ag pagsasara nito dahil sa katiwalian.

Ayon ito kay Justice Secretary Menardo Guevarra kahit pa legal ang operasyon ng lotto at STL.

Sinabi ni Guevarra na kailangang matapos ang imbestigasyon ng NBI hinggil sa mga anomalya sa operasyon ng PCSO licensed gaming operators lalo na’t hindi nagre-remit ng tamang share sa gobyerno at ang posibleng pagkakasangkot ng mga tiwaling opisyal at kawani ng PCSO.

Samantala, nilinaw ni Guevarra na may kapangyarihan ang Pangulong Duterte na suspendihin at tuluyang ihinto ang PCSO licensed gaming operations kapag napatunayang hindi sumusunod sa kanilang obligasyon ang mga lisensyadong gaming operators.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -