Pagbibitiw ni Morales tinanggap na ni Duterte

0
15

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni PhilHealth President Ricardo Morales.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, tinanggap na ni Pangulong Duterte ang pagbibitiw ni Morales sa pwesto dahil sa estado ng kalusugan nito.

Sinabi ni Duque, sumasailalim kasi sa chemotherapy si Morales dahil sa mga iniinda nitong sakit at makokompromiso lamang ang kaniyang kalusugan dahil sa stress na dulot ng kaniyang trabaho.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque na wala pang napipili si Pangulong Duterte na papalit kay Morales bilang pinuno ng PhilHealth.