Pagbibigay Scholarship sa anak ng mga nasawing PDEA Agents sinelyuhan

0
50

Tiwala ang PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency na maaabot nila ang target na isandaang porsyentong Drug Free Philippines bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022

Iyan ang pagmamalaki ni PDEA Dir/Gen. Aaron Aquino kasunod ng naging pahayag ng pambansang pulisya na nagtatagumpay na ang pamahalaan sa kampaniya nito kontra iligal na droga

Inihayag ito ni Aquino sa kabila ng bilyun-bilyong piso pa rin ang mga nakukumpiskang shabu sa samu’t saring mga operasyon at marami na rin ang naarestong drug suspek

Gayunman, sinang-ayunan ni Aquino ang pahayag ni PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde na marami nang nagbago 3 taon mula nang ilunsad ang War on Drugs na kung saan, aabot na sa labindalawang libong barangay ang napalaya na sa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot

Kanina, lumagda ng Memorandum of Agreement ang PDEA at Arellano University sa Maynila para sa pagbibigay ng mga Scholarship Grant sa anak ng mga nasawing PDEA Agent