MOU para sa pagtatatag ng National Task Force to end insurgency nilagdaan na ng AFP at DSWD

0
51

Nagsanib puwersa na ang AFP o Armed Forces of the Philippines at ang DSWD o Department of Social Welfare and DevelopmentĀ  para paigtingin ang pagtutulungan sa paghahatid ng Social Services sa mamamayan

Isang kasunduan ang nilagdaan nila AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal at DSWD Secretary na dati ring Commanding General ng Phil. Army na si Sec. Rolando Bautista ng isang Memorandum Of Understanding

Nakapaloob dito ang pinag-ibayong paghahatid ng tulong sa publiko partikular na tuwing panahon ng Kalamidad at Karahasan gayundin ang pagiging bantad sa tinatawag na Radicalism

Ayon kay Madrigal, bahagi aniya ang kasunduan ng pagpapatupad ng Executive Order 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatakda ng Whole of the Nation Approach para matuldukan na ang insurhensya sa bansa nakapaloob sa naturang EO ang paglikha ng isang National Task Force to end Insurgency at pag-aatas sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na suportahan ang mga hakbang tungo sa kapayapaan

Bagama’t nagtatagumpay na ani Madrigal ang AFP sa paglaban sa mga rebelde, magiging ganap aniya iyon kung makikiisa ang lahat