Pagbayad ng P5-M multa ng Grab maituturing ng pag-amin ng ‘overcharging’ — kongresista

Pagbayad ng P5-M multa ng Grab maituturing ng pag-amin ng ‘overcharging’ — kongresista

by Powered by DWIZ
39 views

Hindi pa rin nababayaran hanggang ngayon ng Grab Philippines ang multa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRFB) noong nakaraang taon.

Matatandaang pinagmulta rin ng P10-million ang Grab noong 2018 dahil sa ginawang ‘overcharging’ o paniningil ng P2.00/minute waiting charge kahit hindi aprubado ng regulatory board.

Ayon kay PBA party-list Representative Jericho Nograles, ang panibagong kaso ngayon ng Grab na sobra-sobrang singil sa pamasahe ay hindi na bago at hudyat na lumalabag talaga ito sa fare matrix ng LTFRB.

Iginiit pa ni Nograles, ang pagsunod ng Grab sa Philippine Competition Commission (PCC) na pagsauli sa mahigit P5-million ay maituturing na pag-amin na mayroon talagang ‘overcharging’.

Pag-sauli nila ng P5-million na overcharging prices, ibig sabihin ay, ito na ang admission on their part na mayroon talagang overcharging at hindi talaga sila klaro,” — sa panayam ng Ratsada Balita

0 comment

Related Posts