Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Clark Stadium planong isapribado ng BCDA

Planong isapribado ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) ang Clark Stadium na ipinatayo para sa Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Senador Sonny Angara, ipinaliwanag ito ng BCDA sa budget hearing ng senado upang pawiin ang pangamba na maging ‘white elephant’ lamang o mawalan ng pakinabang ang stadium na ginastusan ng bilyong piso.

Batay anya sa paliwanag ng BCDA, may mga kausap na silang dayuhan at lokal na kumpanya na interesadong mangasiwa sa Clark Stadium.

Kinumpirma ni Angara na batay sa pagtaya ng BCDA, aabot sa halos P200-million ang kailangan taun-taon para sa maintenance lamang ng Clark Stadium.

Related posts

Publiko sa Puerto Princesa pinag-iingat sa dulot ng haze sa Indonesia

Powered by DWIZ

CHR nanghingi ng tawad sa pagkabigo sa insidente ng ‘secret jail cell’ sa Maynila

Powered by DWIZ

Maayos na implementasyon ng rice tarrification act pinatitiyak ni Speaker Arroyo

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More