Pagbawi sa martial law sa Mindanao ipaubaya na lang sa security officials — Dela Rosa

0
9

Ipinauubaya na lamang ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa security cluster ng pamahalaan ang pagdedesisyon kung babawiin o palalawigin pa ang batas militar sa Mindanao.

Ayon sa senador, ang mga miyembro ng security cluster ang mas nakakaalam sa naturang rehiyon kung kaya’t sila ang dapat magbigay ng rekomendasyon sa Pangulo kung dapat pa bang palawigin ang umiiral na martial law.

Naniniwala naman si Dela Rosa na pakikinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga security advisers.

Samantala, iginiit naman ng senador na hindi na kakailanganin ang martial law oras na maisulong ang pag-amyenda sa Human Security Act.