Pagbasura ng CPP sa localized peace talks ipinagkibit balikat lang ng Malakanyang

0
61

Ipinagkibit balikat lamang ng Malakanyang ang pagbasura ng CPP o Communist Party of the Philippines sa isinusulong na localized peacetalks ng administrasyong Duterte sa NPA o New People’s Army.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kanila munang hihintayin ang sagot mismo ng NPA fighters na nagbubuwis ng buhay para sa aniya’y wala nang patutunguhang ideolohiya.

Iginiit ni Roque, hindi para sa mga lider ng CPP na komportableng namumuhay sa Europa ang alok na peacetalks kundi sa mga rebeldeng nakikipaglaban mismo sa ground.

Una nang sinabi ng CPP na isang pagpapanggap, pagsasayang ng pera at wala anilang kahahantungan ang alok na localized peacetalks ng pamahalaan.