Pagbaha ng mas maraming imported na bigas sa merkado asahan na

0
44

Asahan na ang pagbaha ng mas maraming imported rice sa bansa.

Ito’y makaraang simulan na ang implementasyon ng Rice Import and Export Libelization Law o Republic Act 11203 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 14.

Dahil dito, inalis na ang import restrictions sa bigas at magbigay daan sa mas mura at sapat na supply nito para sa lahat.

Tuluyan na ring tinanggalan ang National Food Authority ng regulatory functions sa  international at domestic trading ng bigas.

Kabilang sa mga tungkuling ito ang licensing at registration ng persons at entities sa rice business, koleksyon ng regulatory fees, issuance ng negotiable warehouse receipts at warehouse inspection.