Halos 40 pamilya nasunugan sa Makati City

0
43

Halos 40 pamilya ang nasunugan sa Barangay South Cembo, Makati City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, dakong ala 6:00 kagabi nang magsimulang kumalat ang apoy sa tinatayang 20 kabahayan.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang maapula pasado alas 8:00.

Nasa 1.5 milyong piso naman ang halaga ng mga natupok o napinsalang ari-arian habang inaalam na kung ano ang sanhi ng sunog.